Sorry kung minsan nakakalimutan ko pangalan mo. Sorry kung minsan nakakalimutan ko bilin mo. Sorry kung nakakalimutan kitang itext sa tamang oras. Sorry kung minsan nakakalimutan na talaga kitang itext at tawagan. Sorry kung nakakalimutan ko minsan ang ating pinag-usapan. Sorry kung minsan nakakalimutan ko kung anong araw na. Sorry kung minsan wala na talaga akong naaalala.
Salamat sa bawat araw na di ka nagsawang ipaalala sa akin kung sino ka nga ba. Salamat sa bawat araw na di ka nagsawang itext at tawagan ako. Salamat sa bawat araw na ikawlang inaasahan kong makaalala kung anong araw na Salamat sa bawat araw na di ka nagsasawang ulitin ang mga bagay na madalas kong makalimutan.
Pasensiya na kung makakalimutin ako.
Salamat di mo ako iniiwan.