Kanina bago ako kumalma andami kong reklamo. Ewan ko nababaduyan na siguro ako sa buhay ko. Ulit-ulit na lang.
Nagsimula yan sa Facebook. Punyetang Faceebook yan! Pinalitan namin ni Kuya para kunwari birthday ko. Titignan namin kung madaming may alam talaga ng birthday ko. Pero akala ng iba nang-Ttroll lang ako, nanggagago o kaya nag-kukupal. Ewan ko mas feeling ko nasaktan ako dun sa mga nang-gago sa akin kesa sa part na may mangilan ngilan na ka-close ko talaga ang bumati.
Hindi naman kasi sa lahat ng panahon nang kukupal ako. Madalas oo pero bawal na ba talaga kahit minsan lang tanungin niyo muna ako bago kayo mang-ulol. Nakakainis lang. Sanay naman akong murahin, no biggie, dahil mismo ako bawat sentence ko may mura pero parang feeling ko dahil nakasanayan akong ganun ang hirap ko ng seryosohin.
Di ko nga alam kung may tao pang seseryoso sa mga sinasabi ko. Ang hirap na din baguhin yung tingin nila sayo. Well kasalanan ko naman kasi yun naman talaga ako. Kupal, walang sinabing matino, gago pero tangina kahit isang beses lang. Matino naman ako kausap, minsan pag feel kong nauurat na ako.
Well, feeling ko andrama ko. Buti ok na ulit ako. Tangina kasi ni Robert e. Tumawag pa kanina mas naramdaman ko tuloy na kupal ako :))))