Sabi nila pag single daw madami naiipon kasi wala daw pinagkakagastusan. Ang sabi ko naman bakit parang mas nakakatipid ako pag may jowa. Dahil ba makapal ang muka ko dahil lagi ako ang sinasagot sa lahat ng bayarin. Pero tingin ko naman hindi. Ako kaya madalas ang sumasagot ng pamasahe. Tanung niyo pa sa lahat ng jinowa ko. Dahil dun lang talaga kasya ang pera ko. Pero mabalik, so sa lahat ng single ako lang ba talaga ang mahirap? Ako lang bang walang natitipid? Tangina ko pala kung ganun.