Balot, Balooot, Balooooot!~
Kung yung iba kapag sweldo ng tatay nila e nag-uuwi ng Ice Cream ibahin niyo tatay ko. Kapag akinse o atrenta panigurado may uwi yung Malunggay Pandesal at anim na Balut. Di ko nga magets yung iba na sabi nila na “Happiness is Ice Cream and Ice Cream is Happiness” Kamon! Bakit di naman ako natutuwa sa Ice Cream? Alam kong di rin naman natutuwa ang Ice Cream sa akin pero bakit nga kaya wala kaming special connection? Kaya ko nga ubusin ang isang drumstick ng di man lang ngumingiti. Sana madevelop naman kami sa isa’t isa ng di ko na hanapin ang happiness sa iba. Chot!
May 15, 2012
6 notes