Bale di na ako mag-eexpect ng makakakain pa ako ng maayos simula ngayon. As in ngayon na. Medyo unang araw pa lang dalawang beses na ako nag de lata tapos nakakaraming tasa na din ako ng kape. Pero parang feeling ko e mas inaantok ako lalo. Bale kasi usapan namin ng pamangkin ko siya magluluto ng ulam tapos ako sa sinaing pero pinaasa niya lang ako. Sa labas na daw siya kumain kasi niyaya siya ng mga kaklase niya. No choice ako kasi di rin naman ko marunong mamalangke. Nagkasundo kasi kami na siya din gagawa nun dahil ako na lang lagi maglilinis kasi mas madalas akong maiiwan. So feeling ko talaga papayat ako. Effortlessly papayat ako ng di man lang umander sa kahit anong diet program. Mukang ang 25 magiging 20 na lang. Chos!